Lakas-CMD party, patuloy ang pagkakaisa – Sen. Bong Revilla

Tiniyak ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang patuloy na nagkakaisang suporta ng partidong Lakas-CMD sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Si Revilla ang tumatayong co-chairman ng Lakas-CMD.

 

Ayon kay Revilla, ang Lakas-CMD ang dominant political party sa Pilipinas at nananatili silang nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Party President na si House Speaker Martin Romualdez.


 

Aniya pa, ang partido ay pinagtibay at pinagbigkis na sa ilang dekada na pagkakaisa at pag-uunawaan kaya naman sa kabila ng mga pagsubok ay mas lalong tumitibay ang partido.

 

Ang pahayag na ito ni Revilla ay kasunod ng naging isyu na idinulot ng pagpapalit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker ng Kamara.

 

Si Arroyo na President Emeritus ng partido ay iniuugnay naman na nasa likod ng coup plot laban kay Speaker Romualdez.

 

Wala pa namang reaksyon ang senador patungkol naman sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang miyembro at siya ring tumayong Chairman ng Lakas-CMD party.

Facebook Comments