Lakas-CMD, tiyak ang suporta sa anumang hakbang ni Mayor Sara Duterte

Tiniyak ng Partido Lakas-CMD ang buong suporta sa anumang tatahakin ni Mayor Sara Duterte.

Pahayag ito ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr. na siyang Chairman ng Lakas-CMD, matapos sumapi sa kanila si Inday Sara kahapon.

Diin ni Revilla, pagsusumikapan ng Laks-CMD na magtagumpay at mamayagpag si Mayor Sara dahil ang tagumpay nito ay tagumpay din ng paritdo at ng mamamayang Pilipino.


Ayon kay Revilla, isang karangalan na pinili ni Mayor Sara ang Lakas-CMD bilang national party nito.

Sabi ni Revilla, mahaba na ang kasaysayan ng paglilingkod ng partido Lakas-CMD.

Binanggit ni Revilla na noon pa man ay kaisa na sila ni Inday Sara at sa katunayan ay kaalyado nila ang dating lokal na partido nito na Hugpong ng Pagbabago.

Facebook Comments