MANILA – Umakyat na sa halos limang libo ang bilang ng mga stranded na mga pasahero sa iba’t ibang pantalan ng bansa dahil sa bagyong Marce.Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo – kabuuang 4,714 ang bilang ng mga stranded passengers sa buong bansa.Mayroon naman aniyang 601 rolling cargoes, 96 vessels at 52 motorbancas ang kabilang sa mga hindi makaalis sa mga pantalan.Dahil sa sama ng panahon, suspendido na ang pasok sa lahat ng antas Calapan City, Oriental Mindoro, buong probinsya ng Cebu at Lapu-Lapu City.Wala rin pasok sa pre-school hanggang senior high school sa Biliran, Romblon at Iloilo City.Kanselado ngayong araw ang aabot sa dalawamput tatlong biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific habang anim na biyahe ng PAL express.
Lakas Ng Bagyong Marce, Napanatili – Klase Sa Ilang Lugar, Mga Biyahe Ng Eroplano At Barko – Suspendido
Facebook Comments