‘Lakbay alalay,’ inilunsad na ng DPWH  

Ilulunsad ng Dept. of Public Works and Highways ang kanilang ‘lakbay alalay’ program upang tulungan ang mga motorista ngayong Undas.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, ito ay isang annual service program ng ahensya sa buong bansa sa pamamagitan ng 16 Regional at 183 District Engineering Offices na sasagip sa mga standed na sasakyan, magbibigay ng direksyon sa mga motorista at pagbibigay ng First Aid sa Emergency Situations.

Paalala ng DWPH sa Field Units nito na panatilihin ang mga National Roads na ligtas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Highway Routine Maintenance Activities.


Facebook Comments