Lakbay alalay ng DPWH, kasado na!

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Oplan Lakbay Alalay ng Department of Public Works and Highways o DPWH ngayong panahon ng Undas.

Base sa inilabas na kalatas ng DPWH, sisimulan nila sa araw ng Lunes, October 30 ganap na alas singko ng hapon hanggang sa November 2 ng tanghali ang Oplan Lakbay Alalay.

Dito magtatalaga ang DPWH ng mahigit isang daang team sa mga pangunahing lansangan ng bansa upang magbigay ng tulong sa mga motorista lalo na sa mga masisiraan.


Katulong ng DPWH sa isasagawang Lakbay Alalay, ang Land Transportation Office, Philippine National Police, at mga opisyal ng Local Government
Units.

Samantala, ipinag-utos naman ng DPWH sa kanilang mga Regional Offices at District Engineering Offices na makipag ugnayan sa mga contractor ng mga kinukumpuning kalsada para schedule ng maintenance works at upang maagang makapagpalabas abiso sa mga motorista.

Maari namang makipag ugnayan ang mga motorista sa DPWH hotline 165-02 at magtext sa 2920.

Facebook Comments