Lakbay – alalay ng DPWH para sa mga motorista at commuters ngayong Semana Santa – umarangkada na ngayong Lunes Santo

Manila, Philippines – Simula ngayong araw (April 10)naka-pwesto na ang lakbay – alalay team ng Department of Public Works and Highways(DPWH) para umalalay sa mga motorista at commuters na dadagsa sa mga probinsyangayong Semana Santa.
 
  Sa interview ng RMN kay Dpwh Spokesperson Anna MaeLamentillo, sinabi nitong magtatagal ang lakbay – alalay program hanggang sasusunod na linggo (April 17) kung saan nakaalerto ang lahat ng kanilangregional at district engineering offices para siguraduhing ligtas ang takbo ngtrapiko sa mga national roads sa buong bansa.
 
  Tiniyak din ng kalihim na hindi makakaapekto sa mgamotorista ang mga kalsadang kinukumpuni o under construction dahil mayroonsilang inilatag na traffic management plan katuwang ang Metropolitan ManilaDevelopment Authority (MMDA) at mga Local Government Units (LGUs).
  Kaugnay nito, sasamantalahin din ng DPWH na magsagawa ngkaragdagang road constructions ngayong holy week sa mga pangunahing kalsada sa MetroManila.
 
  Samantala, para naman sa iba pang concerns at emergencymaaring tumawag sa kanilang hotline na 16502.
 

Facebook Comments