Nakaantabay na ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 sa pagsisimula ng Lakbay Alalay ngayong Semana Santa.
Nasa 35 lugar ang tutukan ng ahensya kasama na ang Manila North Road.
Ang bawat grupong aalalay sa mga motorista ay binubuo ng mga unipormadong field at crew personnel. Gayundin, nakaantabay ang kanilang Maintenance Division at Quick Response Team.
Layunin ng naturang programa na mag-asiste sa mga biyaherong mangangailangan ng tulong sa kalsada at makatulong sa maayos na daloy ng trapiko.
Samantala, nauna nang nagsagawa ng ininspeksyon ang tanggapan sa mga kakalsadahan sa rehiyon.
Inabisuhan naman na ng DPWH Region 1 ang mga lugar kung saan nagpapatuloy ang konstruksyon na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang maging maayos at ligtas daanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨