LAKBAY ALALAY PROGRAM NG DPWH REGION 1, PATULOY NA UMAARANGKADA SA MGA KAKALSADAHAN

Patuloy na nakadeploy sa mga kakalsadahan sa iba’t-ibang panig ng Ilocos Region ang mga personnel mula sa Department of Public Works and Highways upang alalayan ang mga motorista sa kanilang pangangailangan.

Sa ilalim ng Lakbay Alalay Program, layuning asistehan ang mga motorista sa kanilang pangangailangan lalo ngayong doble ang dami ng mga motorista na bumabyahe kasunod ng mahabang bakasyon.

Kabilang sa kanilang aktibidad ang pagbibigay direksyon sa mga motorista at standby sakaling kailanganin ng paghatak sa mga sasakyan upang hindi makaapekto sa daloy ng trapiko.

Katuwang ang iba pang ahensya, hangad na makamit ang ligtas na pagbiyahe sa mga kakalsadahan sa rehiyon para sa masayang pagdaos ng mga selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments