Lakbay Alalay stations ng DPWH para sa Semana Santa, nakakalat na

Nakakalat na rin ang “Lakbay Alalay” stations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa paggunita ng Semana Santa.

Naka-pwesto ang mga ito sa ilang strategic locations sa Metro Manila gaya sa:

 MacArthur Highway sa Valenzuela City
 Malabon Navotas Compound
 A.H. Lacson Avenue Corner España Boulevard
 sa harap ng South Manila District Engineering Office
 Sucat Road
 Commonwealth Avenue
 Kamuning MRT Station
 Marcos Highway sa ilalim ng Marikina LRT Station
 Barangay Alabang (viaduct) sa Muntinlupa


Naatasan naman ang mga tauhang naka-deploy sa Lakbay Alalay stations na tumulong sa mga motoristang makararanas ng emergencies o anumang road-related concerns.

Facebook Comments