Lakers, nakuha ang “largest win of season” matapos patumbahin ang Pelicans

Inirehistro ni Alex Caruso ang kanyang career-high na 23 points upang tambakan ng Los Angeles Lakers ang New Orleans Pelicans sa score na 130-102.

Hindi rin nagpaawat sina Javale Mcgee na kumamada ng 23 points at 16 rebounds at ang dating Pelicans na si Rajon Rondo na may 24 points at 12 assists para sa Los Angeles.

Ayon kay Lakers forward Kyle Kuzma – team effort ang kanilang ginawa para manalo.


Kapansin-pansin naman na hindi nasilayan ang superstars ng bawat koponan: si Lebron James ng Lakers at Anthony Davis ng New Orleans.

Facebook Comments