Lakers, nasungkit ang ika-apat na panalo kontra Memphis

Muling pinangunahan ng tambalang LeBron James at Anthony Davis ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra Memphis Grizzlies sa score na 94-92.

Kapwa nakagawa ng tig-26 points si Davis at LeBron para makuna ng Lakers ang 6-2 win loss record.

May tig-13 puntos naman sina Jonas Valanciunas, Dillon Brooks at Gorgui Dieng ng Memphis na nasadlak sa 2-5 kartada.


Sunod na makakaharap ng Lakers sa kanilang pagbabalik sa homecourt sa Biyernes ang San Antonio Spurs .

Habang ang Grizzlies naman ay host sa banggaan nila ng Cleveland Cavaliers.

Facebook Comments