Lakers, tinambakan ang Timberwolves matapos ang unang pagkatalo

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Minnesota Timberwolves sa score na 127-91 sa National Basketball Association (NBA) regular season.

Nanguna sa lakers si Kyle Kuzma na nakagawa ng 20 points habang nagdagdag ng 18 puntos si LeBron James.

Naging parte ng starting line-up si Kuzma dahil sa hindi paglalaro ng kanilang bigman na si Anthony Davis dahil sa bruised calf.


Nasayang naman ang 15 points na nagawa ni Anthony Edwards para sa Timberwolves.

Sa ngayon tabla sa record ang Lakers at Timberwolves na may dalawang panalo at isang talo.

Facebook Comments