Lakers, tinambakan ang Warriors; 127-101

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors sa kanilang naging laban kanina sa NBA.

Nanalo ang Lakers sa score na 127-101 kung saan nanguna sa Los Angeles sina Kyle Kuzma na may 19-points at LeBron James na may 17–points kasama na ang 13-rebounds.

Nasayang naman ang 21–points ni Kevin Durant at hindi nito naiangat ang Warriors para makuha ang panalo.


Dahil dito, gumanda ang record ng Lakers na may 20-14 win/loss record at pang-apat sa team standings sa western conference.

Facebook Comments