Panalo ang Los Angeles Lakers sa katatapos lang na laban kontra Phoenix Suns, 116-102.
Bumida sa panalo ng Lakers sina Ivica Zubac at Kentavious Caldwell-Pope na kapwa umiskor ng 24 points.
Nag-ambag din ng 22 points si Brandon Ingram.
Nasayang naman ang 21 points ni Devin Booker para sa Phoenix, gayundin ang 17 points ni Kelly Oubre Jr. at 16 points ni Mikal Bridges.
sunod na makakalaban ng lakers sa miyerkules ang philadelphia 76ers habang dadayuhin ng suns ang san antonio spurs.
Samantala, balik-ensayo na si LeBron matapos ang isang buwang pamamahinga dahil sa tinamong groin injury sa Christmas game ng lakers at Golden State Warriors.
Facebook Comments