Pormal nang binuksan ngayong araw ang Lakeshore facility ng Lungsod ng Taguig bilang pang-limang quarantine facility nito.
Ang nasabing pasilidad ay mayroong 40 beds at bawat cubicle ay mayroong hygiene kits, towels, anti-COVID-19 kits with masks at thermometers.
Maliban dito, nilagyan din ito ng isang table, upuan at cabinet.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, WiFi ready ang nasabing pasilidad.
Aniya, ito ay tatanggap ng mga positibo sa COVID-19 na pasyente upang ‘di na makipag-sisksiskan sa mga ospital.
Sakop din, aniya, nito ang mga residente na kabilang sa suspected at probable cases na walang kakayahang mag-self quarantine sa kanilang mga bahay.
Ang Taguig City ay meron 197 na bilang ng kaso ng COVID-19 confirmed cases, 15 deaths at 24 recoveries sa lungsod.
1,125 naman ang bilang ng suspected cases ng COVID-19 sa lungsod.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office ng lungsod.