LALABAN | Mar Roxas, muling tatakbo sa pagkasenador

Manila, Philippines – Muling tatakbo sa pagkasenador si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sa kaniyang video na inilabas sa facebook, sinabi ni Roxas na isa sa nagkumbinsing pasukin muli niya ang politika ay ang mga problemang kinahaharap ngayon ng bansa.

Kabilang na aniya rito ang pagmahal ng mga bilihin at pagdami ng mga Pinoy na nagugutom.


Kung tutuusin ayon kay Roxas ay tahimik na ang kaniyang pamumuhay na nakatuon sa kaniyang pamilya.

Pero naniniwala aniya siyang pananagutan niya ang muling paglingkuran ang bansa.

Inaasahang ngayong araw maghahain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Roxas.

Facebook Comments