Manila, Philippines – Bunsod na rin ng kaniyang matikas na laban kontra kay Lucas Matthysse, malabong magretiro sa boxing ang bagong WBA Welterweight Champion at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ayon sa fighting senator, may ibubuga pa siya lalo na at pinabagsak niya ng tatlong beses bago tuluyang manalo via technical knockout si Pacman kontra kay Matthysse.
Dagdag pa nito Pacquiao, wala raw sa itsura niya na trentay nuwebe anyos na siya lalo na pagdating sa kaniyang training at paghahanda sa laban.
Ang bagong training regimen ni Pacman ang sinasabing dahilan kung bakit hindi nakakaporma ang Argentinian champion sa kanilang laban sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.
Facebook Comments