LALABANAN | Detalye ng binubuong grupo ng PCOO na lalaban sa Fake News, binabalangkas na

Manila, Philippines – Binubuo na ng Presidential Communications Operations Office ang detalye ng ikinakasang Information Officers United na isang grupo na layong labanan ang pagkalat ng fake news.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang mga information officers united ay ang mabisang paraan ng pamahalaan para maikalat ang mga tamang impormasyon sa publiko at epektibong panlaban sa mga maling balita.

Maaari naman aniyang sumama ang mga pribadong indibidwal sa information officers dahil hindi ito ekslusibo sa mga opisyal ng pamahalaan.


Sa oras aniyang matapos ang buong detalye ng pagbuo sa information officers united ay magkakaroon ito ng facebook page para sa mas malakas na kampanya sa fake news.

Facebook Comments