LALAGDAAN NA | Occupational Safety Health Bill, posibleng mapirmahan na ng Pangulo

Manila, Philippines – Pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon ang Occupational Safety Health Bill (OSHB).

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Go, posibleng lagdaan ito ng Pangulo ngayong linggo para maging ganap na itong batas.

Sinabi ni Go, layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuan.


Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng full protection ang mga Pilipinong laborer mula sa lahat ng hazards ng kanilang working environment.

Kung sakaling may mamatay o masugatang empleyado sa kanyang lugar na pinagtatrabahuan, ang employer ay may pananagutan kasama ang project owner, contractor, subcontractor at anumang tao na nagkokontrol o namamahala sa trabaho.

Isusulong nito ang right to free Personal Protective Equipment (PPE) kung saan bibigyan ng protective gears o equipment para sa mata, mukha, kamay at paa.

Mayroon ding lifeline, safety belt o harness, mask o gas/dust respirators at protective shields.

Ang mga workplace ay dapat mayroong occupational health personnel na may required medical supplies, equipment at facilities.

Facebook Comments