Lalake nahulihan ng text blast machines sa Tarlac, arestado ng PNP ACG

Nadakip sa pamamagitan ng entrapment operation si alias Ray, tubong Tarlac City makaraang mahuling nagbebenta online ng mga iligal na text blast machines.

Ayon sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP), 16 na mga text blast machines ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa suspek.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya si alias Ray at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Philippine Radio Control Law, SIM Registration Act, Data Privacy Act at Cybercrime Prevention Act.


Matatandaang una nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na tumataas ang demand para sa mga text blast machines sa tuwing sasapit ang eleksyon.

Ang mga kandidato namang mapapatunayang gumagamit ng text blast machines sa kanilang pangangampanya ay mahaharap din sa kaparusahan.

Facebook Comments