Lalake, nakitang patay sa loob ng kanyang kwarto

Cagayan De Oro – Patay nang nakita ang isang lalake sa loob ng bahay nito sa Villa Cristo Rey, Barangay Bonbon sa Cagayan De Oro.

Nakilala ang biktima na si Dante Kalahas, tinatayang nasa 60 taong gulang, may asawa at dating seaman.

Ayon sa kaibigan ng biktima, ilang araw nang hindi ito lumalabas kaya’t naglakas-loob silang pasukin ang bahay nito.


Doon na tumambad ang katawan ni Kalahas na nasa ibaba ng kama at duguan.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta sa isinagawang imbistigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) lalo na’t may nakitang sugat sa katawan ng biktima.

Naipaalam na rin aniya sa pamilya nitong nasa Ozamis City maging sa mga kamag-anak nitong nasa Pagadian City ang dinatnan ni Kalahas.

Facebook Comments