LALAKE, NASAKOTE MATAPOS MAHULIAN NG HIGIT 30 GRAMO NG MARIJUANA

Timbog sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad ang isang lalake matapos itong mahulian ng hinihinalang dried marijuana leaves sa bayan ng Rosales.
Nakilala ang biktima na 19 anyos at residente ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula rito ang nasa 36.96 gramo ng marijuana, kasama pa ang dalawang P100 na buy-bust money, at tatlong P1, 000 boodle money.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨


Facebook Comments