LALAKE, NASAWI MATAPOS MABANGGA NG NAKAINOM NA TRICYCLE DRIVER

Nasawi ang isang 20 anyos na lalaki sa nangyaring aksidente sa bahagi ng Brgy. Baybay, Aguilar, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Aguilar Police Station Deputy for Operation PCpt. Jesus Flores, agawan ng linya ang naging dahilan ng head on collision ng kasalubong nitong tricycle.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga nasangkot na agad ding nadala sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, walang driver’s license na hawak ang parehong driver ng motor at tricycle.

Hindi nakasuot ng helmet ang driver ng motor, habang napag-alamang nakainom ang driver ng tricycle.

Muling iginiit ng pulisya ang nararapat na pagsusuot ng helmet upang makaiwas sa mas malalang aksidente, maging ang pagtigil sa pagmamaneho kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Samantala, pagkatapos magpagaling ang driver ng tricycle ay haharap ito sa pulisya para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments