Lalake patay matapos matuhog

Binmaley Pangasinan – Dead on arrival sa ospital si John Valdez Caranto, 29 anyos na residente ng Brgy. Palitan San Carlos City at isang service crew ng isang fast food matapos aksidenteng sumalpok ang sinasakyang motor sa truck na may mga dalang mga kahoy sa kahabaan ng Binmaley at San Carlos City main road.

Ayon sa report ng mga pulisya sinusundan umano ng biktima ang isang truck kung saan ito sumalpok. Dagdag pa ng imbestigador wala umanong anumang warning device na nakakabit sa truck para magbigay sana ng babala sa mga sumusunod dito dahil narin sa mga dala nitong mga kahoy na lubhang mapanganib.

Katatapos ang malakas na ulan ng aksidenteng tumuloy tuloy ang driver ng motor sa mga nakausling kahoy sa likuran ng truck. Dito natusok mula sa dibdib ang biktima at tumagos ang kahoy sa likuran nito na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.


Sinubukan di umanong tumakas ng driver na si Reynaldo Fernandez, 38 anyos at residente ng Brgy. Quintong San Carlos City. Ngunit isinuko siya ng mga nakakitang residente sa mga awturidad. Sa ngayon ay patuloy paring sumasailalim sa imbestigasyon.

Samantala patuloy ang paalala ng PNP na mag-ingat ang mga motorista lalo na ang mga naka motor kapag ganitong maulan at madulas ang daan.

Photo credited to Mart Macam

Facebook Comments