Nasakote ang 35 anyos na lalaki at tukoy na Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa Villasis, Pangasinan.
Sa bisa ng inihaing warrant of arrest ng pulisya, haharap ngayon ang suspek sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang pyansa.
Nasa kostudiya na ito ngayon ng pulisya para sa tamang disposisyon.
Samantala, nanindigan naman ang hanay ng kapulisan ng Pangasinan sa patuloy na pagtugis sa mga taong nasa likod ng mga krimen at insidente tungo sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









