LALAKENG NAG-AMOK, NAG-UNTOG NG ULO NG BABAE SA CONVENIENCE STORE SA ILOCOS SUR

Sa sakitan nagtapos ang dapat lamang sana ay inuman sa Brgy. San Isidro, Candon City, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matapos ang inuman ng 28 anyos na lalaki, 28 anyos na babae at isa pang kasamahan na babae, umpisa nang nag-aamok ang lalaki.

Umalis ang dalawang babae upang iwasan na ang ginagawang panggugulo ng suspek at nagtungo sa isang convenience store upang ituloy ang inuman.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang muling sumunod ang lalake, at itinuloy ang panggugulo. Pinagtripan at pinatid pa nito ang isang tao na nasa lugar, na sinuway naman ng dalawa.

Dito na sinampal ng babae ang lalaki at nang gumanti ito, hinatak nito ang buhok ng babae at saka iniuntog ang ulo nito sa glass panel ng convenience store.

Naaresto ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments