Lalakeng nagbantang ikakalat ang hubad na larawan at video ng isang misis sa Taguig, arestado ng PNP ACG

Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang lalaking suspek na nagbantang ikakalat nya ang mga hubad na larawan at video ng kanyang ka-chat na babaeng may-asawa sa Facebook.

Naaresto ang suspek na si Vicente Bahalia Nuñez, 32, tubong Hilongos, Leyte at kasalukuyang naninirahan sa San Isidro, Rodriguez, Montalban, Rizal sa isang entrapment operation kamakalawa sa Quezon City.

Ito’y matapos ireklamo ng biktima na pinipilit umano siya ng suspek na ginagamit ang pangalang “Jemar Nuñez” na makipagkita, kapalit ng hindi paglalabas ng kanyang mga maseselang larawan at video.


Nahaharap ngayon sa paglabag sa Art 286 ng Revised Penal Code o Grave Coercion at RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang naturang suspek.

Facebook Comments