Tinutunton na ng Ermita Police ang mga lalaki na sinasabing nagbayad sa ilang vendors para magbenta o mag-pose na may hawak na mga bandila ng China sa Rizal Park.
Ayon kay Police Col. Igmedeo Bernaldez, Station Commander ng MPD Station 5, na makakatuwang nila ang ibang departamento ng MPD upang makita ang mga lalaking sinasabing nasa likod ng Chinese flags, na nag-viral sa Social Media.
Paliwanag ni Bernaldez na malaking tulong ang facial recognition ng mga CCTV ng National Parks Development Committee, para mahanap nila ang mga kalalakihan nasa likod ng naturang kontrobersyal.
Nauna nang sinabi ni Bernaldez na nasa tatlong kalalakihan ang umano’y nagbigay ng mga watawat ng China sa mga vendor.
Sa ngayon, hindi pa masabi ni Bernaldez kung ano ang posibleng sanction o parusa na ipapataw sa mga kalalakihan.
Pero mahalaga aniya na malaman ang dahilan kung ano ang motibo ng mga kalalakhan i sa pagbabayad sa mga vendor para lamang magbenta o humawak ng Chinese flags.