Monday, February 23, 2026

Lalaki, aaresto dahil sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang lalaking nahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Muntinlupa City.

Ang suspek na si alyas “Jiro”, 28 years old ay naaresto sa Anti-Criminality Operation na isinagawa ng Alabang Police Sub-Station ng Muntinlupa City Police Station sa Barangay Alabang.

Una rito, nakatanggap ng imporasyon ang mga nagpapatrolyang mga pulis mula sa isang concerned citizen na mayroong kahina-hinalang lalaki na may bitbit na baril sa 7C PNR Site sa natutang barangay na nagdudulot ng takot sa mga residente.

Agad inaksiyunan ng Alabang Police Station ang sumbong at narekober sa suspek ang isang caliber .38 revolver na walang serial number at dalawang bala.

Dinala na ang suspek sa Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) para sa dokumentasyo at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments