Lalaki, aksidenteng nabaril ang sarili, patay

closeup of the feet of a dead body covered with a sheet, with a blank tag tied on the big toe of his left foot, in monochrome, with a vignette added

Isang lalaking nasa edad 20 ang nasawi matapos aksidenteng tumama pabalik sa kanya ang bala nang barilin ang isang sasakyan sa Sydenham Road, London, Linggo ng hapon.

Ayon sa nakakita, mukhang may gusto umanong barilin ang lalaki sa loob ng sasakyan nang biglang tumalbog ang bala ng baril pabalik sa kanya.

Tumama ang bala sa biktima at agad itong nagtamo ng sugat na nagdulot ng matinding pagdurugo na tuluyan nitong ikinamatay.


Batay sa ulat ni Metropolitan Police Inspector Richard Leonard, bandang alas tres ng hapon nang tawagan sila para ireport ang naturang pangyayari.

Agad umano silang nagtungo sa Sydenham Road kung saan bumungad sa kanila ang lalaking may tama na ng baril.

Sa isang Twitter post, nakasaad na limang minuto matapos tawagan  ang pulisya ay idinkelara ang pagkamatay ng lalaki.

Samantala, isang 56-anyos na babaeng naninirahan sa lugar ang nakakita kung paano tumalbog ang bala sa biktima.

Sa isinaad namang pahayag ng isang tindero, may nakapagsabi raw na isang grupo ng kalalakihan ang nasa loob ng nasabing sasakyan nang biglang dumating sa eksena ang biktima na may dala-dalang baril.

Tumakbo raw palayo ang mga naturang lalaki kaya nagpasya umanong sirain ng biktima ang sasakyan.

Nang barilin nito ang bintana ng kotse, sa kasamaang-palad ay tumama pabalik sa kanya ang bala na agad nitong ikinamatay.

Samantala, umabot sa halos tatlong oras bago tuluyang makuha ng mga pulis ang bangkay ng hindi pa rin nakikilalang biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulistya sa nangyaring insidente.’

Marami naman ang nagbigay ng simpatya sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments