Lalaki aksidenteng nabaril ,suspect boluntaryong sumuko sa bayan ng Alamada North Cotabato

Boluntaryong sumuko ang isang lalaki ng aksidente nitong mabaril ang isang lalaki na umaawat sa nangyaring kaguluhan alas 6:20 kagabi0 sa Sitio Mariga, Barangay Guiling, sa bayan ng Alamada, sa lalawigan ng North Cotabato
Kinilala ang suspek na isang Mark Abecia Batiller 24 anyos , may-asawa residente sa nabanggit na lugar . Kasama ng suspect sa kanyang pagsuko ang isang unit ng homemade 12 gauge shotgun , isang magazine na may dalawang bala.
Sa report ay sinalakay ng isang nagngangalang alyas Erick at tinangkang tagain ang suspek na nakatakbo namang pauwi sa kanyang bahay at kinuha ang kanyang baril.
Sinubukan pang pakalmahin ng maybahay na si Joena Batiller ang suspek at inagaw ang baril subalit aksidente itong pumutok na tumama sa biktimang si Fred Bernal Crauz 15 anyos, binata.
Tinamaan ng bala sa kanyang kaliwang hita ang biktima na agad isinugod sa Maramag Provincial Hospital.
Nakapiit na ngayon sa Alamada municipal police station ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments