Lalaki arestado dahil sa pagdadala ng di lisensyadong baril sa Checkpoint

Himas rehas ngayon ang isang 56 years old na lalaki matapos makumpiskahan ng di lisensyadong baril sa checkpoint ng Pagalungan.
Sa report mula sa tagapagsalita ng PRO BARMM PCpt Jemar Delos Santos, 8.40 kaninang umaga na makumpiskahan ng Caliber 45 (Norinco) at isang Magazine na naglalaman ng 13 bala si Abdulbayan Mamolindas, residente ng Brgy. Poblacion Kabacan North Cotabato.
Nanguna sa checkpoint ang RMFB 14 sa Brgy Poblacion ng Pagalungan.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 10591 o llegal Possession of Firearms si Mamolindas.

Facebook Comments