Lalaki, arestado dahil sa pamboboso sa Spain

Spain – Arestado ang isang 53-anyos na lalaking Colombian matapos bosohan at video-han pa ang higit 500 kababaihan na walang paalam bago i-upload sa porn sites.

Huli sa akto ng pulisya ang suspek na nire-record ang ilalim ng palda ng isang babae gamit ang cellphone na nakatago sa kanyang backpack.

Lumabas sa imbestigasyon na nakapag-upload ang suspek ng 283 videos ng 555 babaeng biktima, ilan dito ay menor de edad pa.


Target nito ang mga biktima na nasa mga tren at supermarket, at sinusundan pa sa kalye para makakuha ng ‘better shots’ sa kanilang intimate area.

Nadiskubre ang ginagawa ang suspek matapos mapansin sa isang porn website na maraming ina-upload na intimate videos mula sa Madrid.

Facebook Comments