Manila, Philippines – Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng isang lalaki matapos i-blackmail ang isang babae para piliting makipagtalik ulit sa kanya.
Inireklamo ng sextortion ang suspek na si Vincent Descaya na nahuli ng NBI cybercrime division.
Kwento ng biktimang 17-anyos na itatago sa pangalang ‘Bernadette’, nakilala niya sa Facebook ang suspek at nakumbinsi siya nito na makipag-eyeball saka dinala sa isang motel.
Makalipas ang isang linggo, nag private message ang suspek at pinilit ang biktiman makipagkita sa kanya.
Itinanggi naman ng suspek ang mga bintang.
Nahaharap sa kasong child abuse, grave coercion at paglabay sa cybercrime prevention act ang suspek.
DZXL558
Facebook Comments