Lalaki, arestado dahil sa sextortion

Arestado ang isang lalaki matapos tangkain kikilan ng pera ang kaniyang dating nobya sa pananakot na isasapubliko niya ang maseselang video nito.

Agad na hinuli ng tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Elmer Dela Cruz nang tanggapin nito ang P20,000 cash na hinihingi niya sa dating nobya.

Ayon sa biktima, pareho sila ni Dela Cruz na may asawa at anak sa naunang karelasyon kaya niya gustong makipaghiwalay.


Pero ayaw raw makipaghiwalay ni Dela Cruz kaya pinadala nito sa mga kaanak ng biktima ang ilan niyang mahalay na litrato.

Nagbanta rin aniya ang suspek ito na ipapakalt ang kaniyang video.

Kwento pa ng biktima, nakilala lang niya si Dela Cruz habang naglalaro ng mobile games at nagtagal ang relasyon sa pakikipag-video chat mula noong Enero.

Muntik pa raw mahiwalay ang biktima sa kaniyang asawa dahil sa nangyari.

Nahaharap ngayon si Dela Cruz sa patong-patong na kaso ng extortion, violence against women and children at paglabag sa Anti-Video and Photo Voyeurism Law.

Facebook Comments