Lalaki arestado dahil sa walang dokumentong baril sa Upi

Kulungan ang bagsak ng isang Mark Reyval Llanes alias Bobong Llanes matapos makumpiskahan ng baril na walang kaukulang dokumento sa search warrant operation na isinagawa ng Upi MPS mag-aalas syete kaninang umaga .
Nanguna sa operasyon ang mismong hepe ng UPI MPS na si CIns Erwin Tabora , isinagawa ito sa tahanan ng suspek sa Purok Happy Valley Brgy Nuro Upi base sa search warrant for violation ng R.A 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Hon.Bansawan Z. Ibrahim, RTC 12th Judicial Region, Branch 13 .
Bagaman walang drogang nakumpiska, bumulaga sa mga operatiba ang isang converted Caliber 22 Rifle at mga bala mula sa target ng operasyon.

PIC: Upi MPS

Facebook Comments