Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na gumagamit umano ng pekeng dokumento upang paulit-ulit na kumuha ng cash assistance mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Special Projects Romel Lopez, naaresto ang suspek sa isang entrapment operation sa Central Office ng DSWD nitong September 16.
Lumabas sa imbestigasyon na bumisita ito sa tanggapan noong nakaraang linggo upang humingi ng medical assistance.
Nagpakita naman ito ng pekeng identification cards at documents, lingid sa kaalaman niya ay nasa ilalim na siya ng surveillance ng DSWD matapos lumabas ang kaniyang litrato sa iba’t-ibang transaksyon gamit ang iba’t-ibang pangalan.
Ayon kay Lopez, sampung beses niya ito ginawa kung saan pitong beses ay sa NCR field office at tatlo sa Central office.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang limang iba pang suspek na kasabwat nito sa modus.