LALAKI, ARESTADO MATAPOS BANTAAN NG BARIL ANG ISANG LOLA SA MANGALDAN

Arestado ang isang lalaki matapos pagbantaan ng baril ang isang 65-anyos na babae sa Barangay Guesang, Mangaldan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nanggugulo umano ang suspek sa tapat ng bahay ng biktima at kalaunan ay nagbanta gamit ang baril.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at naaresto ang suspek sa kanyang tahanan. Narekober mula rito ang isang calibre .38 na baril na walang bala.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan Police ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments