Kinasuhan ang isang lalaki ginawang pagawaan ng methamphetamine o shabu ang kuwarto ng mga bata sa isang simbahan sa Maine, US.
Timbog ang suspek na kinilalang si Matthew Anderson, 33, matapos ipagbigay-alam ng mga opisyal ng Buxton United Methodist Church sa pulis ang kahina-hinala umanong gawain sa itaas na kuwartong laruan ng mga bata.
Nadiskubre sa kuwarto ang mga kasangkapang ginagamit sa pag-proseso ng shabu na kinumpirma ng Maine Drug Enforcement Agency.
Sinampahan si Anderson ng kasong may kinalaman sa iligal na operasyon ng shabu lab.
Nakapiit ang salarin sa New York County Jail matapos hindi makapagpiyansa ng $50,000 (P2.5 milyon) at nakatakdang humarap sa korte sa Enero 24.
Facebook Comments