Lalaki, arestado matapos humarang sa presidential motorcade para humingi ng trabaho

PHOTO COURTESY: Citizen Digital

Tila desperado na ang isang lalaki sa Nairobi, Kenya na humarang sa convoy ng presidente upang humingi ng trabaho.

Inaresto ang kinilalang si Univalies Nyabuto matapos pigilan si President Uhuru Kenyatta para ipahayag ang kagustuhang sumali sa defense forces ng Kenya noong Martes, Disyembre 10.

Hawak ni Nyabuto ang isang placard na may nakasulat na, “Your Excellency, kindly offer me a chance to join the Kenya Defense Forces. I am sorry for disrespecting your security. Please Mr President. Nyabuto.”


Papuntang State House ang presidente galing sa dalawang araw na summit para sa African, Caribbean and Pacific (ACP) Groups of States na ginanap sa Kenyatta International Convention Center, ayon sa K24 TV.

Kinumpiska ang placard at agad ding inaresto ng pulisya si Nyabuto, ayon sa ulat.

Facebook Comments