Lalaki, arestado matapos ibenta sa isang brgy kagawad ang ninakaw na baka sa bayan ng Pozzorubio sa Pangasinan

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang 30 anyos na lalaki sa bayan ng Pozzorubio, Pangasinan matapos nitong ibenta ang kanyang ninakaw na baka sa kanilang barangay kagawad.

Ang suspek ay nakilalang si Fidel Ungria, residente ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pnp na pasado alas-2:00 ng hapon nang mag-ikot-ikot sa mga kalapit na barangay ang may-ari ng baka kasama ang ilang barangay officials upang hanapin ang nasabing baka.


Dito na nila nakausap si barangay kagawad na si Florante Palang kung saan ay sinabi nitong may nabili siyang baka mula sa suspek na ka-barangay nito.

Nang mapatunayang ito nga yung nawawalang baka ay dito na inaresto ang suspek kung saan ay nabawi rin ang baka na ibinenta nito sa ₱32,000.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments