Lalaki, arestado matapos magbantang ipapakalat ang mga hubad na larawan ng menor de edad sa Valenzuela City

Valenzuela City – Arestado ang isang lalaki na nagbantang ipapakalat sa facebook ang hubad na larawan ng isang dalagita kung hindi ito magbibigay ng pera matapos ang ikinasang entrapment operation sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Rommel James Montemayor, residente ng Monica compound, Malinta sa nasabing lungsod.

Si Montemayor ay dinampot ng mga operatiba ng Valenzuela Police Women And Children’s Protection Desk o WCPD makaraang kunin ang pera sa isang paso na iniwan ng mga biktima.


Nabatid na humingi ng saklolo sa pulisya ang isang 33-anyos na ginang nang magbanta ang suspek na ipapakalat niya sa social media ang mga hubad na larawan ng kanyang 14-anyos na anak.

Mula sa P50,000.00 ay bumaba sa P8,000.00 ang demand ni Montemayor sa mag-ina dahilan upang magsumbong sila sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Facebook Comments