Lalaki, Arestado matapos Magbirong ‘May Bomba’ ang kanyang Minamanehong Truck

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ang isang lalaki matapos magbiro na bomba ang laman ng kanyang minamanehong elf dump truck sa isang parking area bandang 1:30 ng hapon kanina sa Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Marin, 54 anyos, may asawa, isang contractor at residente ng Brgy. Rizal, Roxas, Isabela habang nakilala ang biktimang si Erni Baggao, 55 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Alibagu sa kaparehong lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, ipaparada ng tsuper ng truck ang sasakyan sa isang pribadong lugar at tinanong ng biktima ang driver nito tungkol sa kung anong laman ng truck at kanyang isinagot na ‘bomba’ at agad nagsimula ang komosyon ng magkabilang kampo.


Agad namang idinala sa kapulisan ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1727 o Bomb Joke.

Facebook Comments