Lalaki, arestado matapos magnakaw sa Mandaluyong City

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki matapos magnakaw ng halos P200, 000 halaga ng mga ari-arian sa isang bahay sa no. 74 Rev. Aglipay street, Brgy. Poblacion, Mandaluyong City.

Sa impormasyon nakalap ng DZXL RMN Manila, winasak ng suspek na si Francis Mark Serrano ang padlock ng bahay ng biktimang si Lancer France Serrano at saka ito pimasok kung saan nilimas nito ang tv, laptop, relos, mga damit at iba pang gadget.

Pero nakita ng mga kapitbahay ng biktima ang suspek nang lumabas ito na bitbit ang mga ninakaw bago sumakay ng tricycle.


Matapos malaman ng biktima ang insidente ay agad itong nag-report sa pulisya at sa follow-up operation ay nasakote nila ang suspek habang naglalakad sa Pag-Asa street.

Nabawi naman lahat ng mga gamit ng biktima sa bahay ng kaibigan ng suspek na si Jomar Alipio pero iginiit ni Alipio na hindi niya alam na mga nakaw ito.

Facebook Comments