Arestado ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Labrador Police Station sa Brgy. Dulig, Labrador, Pangasinan.
Naaresto ang suspek na 35 anyos na lalaking residente ng San Jacinto, Pangasinan, matapos maaktuhan sa aktong pagbebenta ng hinihinalang shabu.
Narekober sa kustodiya nito, ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na 170,000 pesos kabilang ang iba pang ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Labrador Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments









