Kinilala ng suspek na si Jaylord Piano, 31-taong gulang, may asawa, high school undergraduate construction worker, at residente ng naturang lugar.
Nadakip ang suspek sa bisa ng search warrant na inihain ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO II RSET, Aparri PS, 1MFP, 2CPMFC at Regional Maritime Unit 2, Maritime Police Precinct Aparri, Cagayan.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang yunit ng keypad na cellphone, isang pencil case, tatlong piraso ng bahagyang bukas na heat-sealed transparent plastic sachet na may residue ng iligal na droga, iba’t ibang drug paraphernalia, isang sling bag, isang transparent plastic sachet, limang piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng iligal na droga, tatlong piraso na aluminum foil, anim na piraso ng Cal. 45 na baril at limang bala para sa Cal. 9mm na baril.
Ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Aparri Police station para sa tamang disposisyon.
Nahaharap din si Piano sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms.