Lalaki arestado matapos mahulihan ng droga kagabi

Tiklo ang isang 30 anyos na lalaki matapos mahulihan ng droga ng mga elemento ng PP2 kagabi alas otso ng gabi sa barangay RH-7 ng lungsod. Kinilala ang suspect na si Ryan Rabas Rakim, na residente din ng nasabing barangay, nakuha mula sa kanyang posisyon ang anim na sachet ng shabu. Siyay nahuli ng tropa ni PCI Efren Salazar at City drug enforcement unit ng City PNP. Ang suspect ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments