Lalaki, arestado matapos mahulihan ng sumpak sa Tondo

Tondo, Maynila – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng sumpak sa barangay 105, Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Frederick Tayog, 21-anyos at miyembro ng Batang City Jail.

Sa ulat, rumoronda ang dalawang pulis nang makitang nakatambay sa nasabing lugar si Tayog.


Nilapitan siya ng mga ito at nakumpiska ang isang sumpak at 12 basyo ng bala.

Mahaharap sa kaso ng illegal possession of improvised firearms ang suspek.

Facebook Comments