LALAKI ARESTADO MATAPOS MAHULING ILIGAL NA NAGTRANSPORT NG MGA TROSO

Nabas, Aklan- Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang lalaki matapos mahuling nagtatransport ng mga troso sa kanyang saskyan 8:30 kagabi sa Brgy. Tagaroroc, Nabas, Aklan. Lulan ng isang multicab ang mga troso na minamaneho ni Franklin AscaƱo, 24 anyos at residente ng Sitio Minoro, Caticlan, Malay. Ayon kay PSSg. Prado ng Nabas PNP, nakatanggap umano sila ng impormasyon ukol sa insidente at agad itong nirespondehan. Kung saan narekober mula sa multicab ni AscaƱo ang mga troso na magkakaibang dimensiyon. 4pcs na 4x6x7 4pcs na 2x6x7 1pc na 1x10x10 2pcs na 1x10x8 1pc 1x8x7 Napag alamang dadalhin niya sana ito sa Brgy. Rizal Nabas. Sa ngayon ay nakatakdang sampahan ng kaso si AscaƱo na paglabag sa PD 705 o Illegal transport of forest product sa Aklan Prosecutors office.

Facebook Comments