Quezon City – Nagmistulang naging pelikula ang nangyaring habulan ng mga pulis sa isang lasing na driver ng SUV na tumakas matapos banggain ang isang pampasaherong van sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Kahit na pinagbabaril na ng mga pulis ang sasakyan ni Niño San Gabriel, nakatakbo pa din ito kung kaya’t nakasagi pa ng limang sasakyan kabilang ang isang motorsiklo sa may tapat ng ever gotesco papuntang Don Antonio heights.
Napahinto lamang ang suspek nang ma-flat ang gulong ng kaniyang sasakyan kung saan pinalibutan na siya ng mga pulis dahil sa may bitbit din itong baril.
Maswerte naman hindi nasaktan o tinamaan ng bala si San Gabriel na nakuhanan ng dalawang baril at nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo.
Facebook Comments